terça-feira, 26 de junho de 2018

Pinas

LIGA NG MGA BIDA
yo! welcome everybody to the PBA
yo com’on
crossover, flyover lumilipiad kasi laging high scorer
skywalker, best of all time yung roster
kinikilig pati mga courtside reporter
order in the court eee
laging palaban, kala mo si jaworski, noypi
umalahoy um OP, pumor-three
2-1 pa, double OT
o yeah dumagundong si big dome
napatalon at umalulong si Tim Cone
in the zone nagpapaulan ng free throw
hayop kumbaga bakulaw, beast mode
yung iba no offense puro depensa
yung iba defensive pero walang opensa
yung iba butata, yung iba rekta
yung iba kinakapos yung sa akin bengga
yo get that ball, (habol) wag ka pa iiskor
yo ipakita kung sin ang siga sa liga ng mga bida
yo get tha ball (idol) wag ka pa iismall
yo ipakita kung sino ang siga sa liga ng mga bida
pag ako dumakdak lahat pumapalakpak
siguradong madugo ang laban pag ako sumaksak
swak na swak, dagger sa dibdib ng higante
walang goliath sa Bal David dumiskarte
oy! anong height mo sir?
ako 5 footer pero sharp shooter
manalo man o matalo pusta ko ay Lebron
pagkat hindi nadadaig ang puso ng kampeon
alias the Flying A na may halong El Presidente
high na hig walang pake nagkakape sa ere
pumepeke ng pasa, pumepektus
mala Benjie Paras kahit nakapikit
shoot like Mike, mala Caidic ang bitaw
tanong mo pa kay doktor J , Andy Jao
pare wow, inireplay sa LED
umaapoy sa pogi points, reigning MVP
yo get that ball, (habol) wag ka pa iiskor
yo,ipakita kung sin ang siga sa liga ng mga bida
yo get tha ball (idol) wag ka pa iismall
yo ipakita kung sino ang siga sa liga ng mga bida
yo liga ng mga bida
yo liga ng mga bida
yo liga ng mga bida
sinong siga sa liga ng mga bida?
isaksak mo na baby, isaksak mo na
isaksak mo na baby, isaksak mo na

ITO ANG LIGA

Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh
Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh

Wala na nga sigurong mas kinababaliwan
Sa pambansang libangan ng bayan
Laro’y sinasapuso at kinaaliwan
Na para bang digmaan ang laban

Manalo, matalo, walang kokontra
Depensa, opensa, bilog ang bola,
Woh-ohh…

Ito ang liga! Woh-ohh-oh-oh
Ito ang liga! Woh-ohh-oh-oh
Sentro ng kwento ng bayan
Siyento porsiyento ang laban

Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh
Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh

Wala na nga sigurong mas kinasasabikan
Ang galing ng liga ng bayan
Sa dami nang daluyong at hirap na natikman
Game pa rin, partida pa nga yan

Manalo, matalo, walang kokontra
Depensa, opensa, bilog ang bola,
Woh-ohh…

Ito ang liga! Woh-ohh-oh-oh
Ito ang liga! Woh-ohh-oh-oh
Sentro ng kwento ng bayan
Siyento porsiyento ang laban

Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh
Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh

[Gloc-9:]
Batak na batak ang mga koponan
Tatak na tatak talaga nga naman
Pasa pa lang na binato sadyang kawili-wili na
At malamang pati kayo napapapigil hininga
Sa bawat dribol, bantay sarado
Sa bawat sipol, lahat kabado
Lahat nakatutok sa tv pati si utol ay nakikinood na sa kanto
Si idol umariba na’t tumira bumitaw
Libo-libong taghanga sa arena sumigaw
Rebound! Biglang baba, biglang tira
Shout! Isang bansa, isang liga
Basketbolista’y ganadong-ganado
Bawat atleta’y kamadong-kamado
Ang kampyonato ay ibubulsa
Local o global may ibubuga

Manalo, matalo, walang kokontra
Depensa, opensa, bilog ang bola,
Woh-ohh…

Ito ang liga! Woh-ohh-oh-oh
Ito ang liga! Woh-ohh-oh-oh
Sentro ng kwento ng bayan
Siyento porsiyento ang laban

Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh
Oh woah, oh woah, oh-woah-ohh

Walang kasing galing, kasing gilas
Hindi maitatangging pilipinas!
Walang kasing galing, kasing gilas
Hindi maitatangging pilipinas!

Ito ang liga!

ANAK NG PASIG

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig
Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ang bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig
Pa-swimming swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura niyo
Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo

Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo
Hanggang makakita ako ng lumang litrato
Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko
Kaibigan ano ang nangyari dito

Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat
Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Anak ng Pasig naman kayo
May bukas pa ang ating mundo.

Nenhum comentário:

Postar um comentário